Biyernes, Marso 16, 2012

INSTITUTIONAL PHILOSOPHY, VISION, MISSION, GOALS AND OBJECTIVES OF MinSCAT


STATEMENT OF THE INSTITUTIONAL PHILOSOPHY, VISION, MISSION, GOALS AND OBJECTIVES

1. The Institutional Philosophy

          The Mindoro State College of Agriculture and Technology believes in the supremacy of God over His creation, and that man as His special creation has the capacity to learn and can be developed physically, mentally, socially and spiritually. The College strongly upholds education as an indispensable aspect in the changes of the individual. Equipped with functional and more effective education, the individual must strive to maintain an honest and productive life coupled with his duties and obligations to serve humanity and his country and to recognize his responsibility of conserving and developing the rich natural resources for sustainable development.

          Ang Mindoro State College of Agriculture and Technology ay naniniwala sa paghahari ng Diyos sa sanlibutan at nananalig na ang tao bilang tanging nilikha ng Diyos ay may kakayahang matuto at maaaring paunlarin sa mga paraang pisikal, mental, sosyal at espiritwal. Pinagtitibay ng MinSCAT na ang edukasyon ay higit na kinakailangan tungo sa pagbabago ng isang tao. Sa pagkakaroon ng magagamit at mas higit na epektibong edukasyon, and tao ay dapat magsikap upang panatilihin and isang buhay na matapat at produktibo na may kaakibat na mga tungkulin at obligasyon upang paglingkuran ang kapwa at ang bayan at kilalanin ang kanyang responsibilidad na pangalagaan at paunlarin ang likas na yaman tungo sa pinaninindigang pag-unlad.


2. The Vision of the Institution

          A self-reliant center of development in Oriental Mindoro that provides sustained leadership in instruction, research and extension to produce globally competitive professionals and appropriate technologies crucial in helping develop a productive and spiritually and morally upright citizenry, in a diverse yet cohesive society.

          Isang sentro ng kaunlaran na maaasahan sa Silangang Mindoro na nagtatadhana ng patuloy na pamumuno sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik at pagpapalaganap upang magbunga ng mga propesyonal na maipapantay sa buong mundo at mga angkop na teknolohiya na mahalaga sa pagtulong upang mapaunlad ang mga mamamayan na kapaki-pakinabang, na may banal na paniniwala at may kagandahang asal sa magkakaiba ngunit magkakaugnay na lipunan.



















3. The Mission of the Institution

          The Institution exists to promote professional and technological education by intensifying instruction and training, conducting more viable and relevant researches, utilizing knowledge and technology, sustaining income generation through adoption of feasible state of the art technologies, establishment of extensive and efficient linkages and networking and continuous organizational development.

          Ang institusyon ay magtataguyod ng mataas na uri ng pampropesyonal at panteknolohiyang edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasanay, sa pagsasagawa ng higit na kapaki-pakinabang na mga pananaliksik, paggamit ng kaalaman at teknolohiya, pagkakaroon ng matatag na paskakakitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya, pagtatatag ng malawakan at mahusay na mga pakikipag-ugnayan at patuloy na pag-unlad.

4. The Goals of the Institution

          Provide and broaden the access to quality education responsive to an ever-growing and dynamic society.

          Magbigay at magpalawak ng daan tungo sa isang edukasyon na may mataas na uri na nakatutugon sa isang patuloy na lumalaki at umuunlad na lipunan.
         
5.  The Objectives of the Institution

          Strengthen the capabilities of the institution to:

          5.1. Offer quality education;
          5.2. Provide opportunities for the youth to develop their potentials as human beings and as productive members of the society;
          5.3. Expand financial assistance to poor but deserving students toward greater access to education;
          5.4 Maximize productivity to sustain income generation; and
          5.5. Intensify research and extension services, which are relevant to the needs of the community.

          Palakasin ang mga kakayahan ng institusyon na:

          5.1. maghandog ng edukasyong may mataas na uri;
          5.2. maglaan ng mga pagkakataon sa mga kabataan upang paunlarin ang kanilang mga kakayahan bilang mga tao at kapaki-pakinabang na kasapi ng lipunan;
          5.3. magpalawak ng tulong pinansyal sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral patungo sa higit na malawak na daan sa edukasyon;
          5.4. magparami ng produksyon tungo sa matatag na pagkakakitaan; at
          5.5. mapabuti ang mga paglilingkod ng pananaliksik at pagpapalaganap na  may kaugnayan sa mga pangangailangan ng pamayanan.


1 komento: